i'm having a tough day with someone in the office..
She's new d2 sa department namin.. i've been nice,
i acomodated her very well..
but now she seems very bossy, very demanding and it's as if
xa lang ung may alam ng lahat..
at first dis is my own, comprehension but as time pass andami na plang nkaka pansin nung attitude nya..
she talks as if, she know's everything, strategy, managing, training and even sports..
but how come we cant' see it..
It's the ader way around..
And one thing iba iba ung sinasabi nya sa iba't ibang klase ng tao.. sna kasi i was not there to listen or para marinig mga un.. or the people she have conveyed her insights is not relayed to me..
kya tuloy i have all this assessments to her.. i'm starting to hate her...
~isa pa she annoys me nah.. People believe in me, even my boss let me handle everything and do things on my own.. Pero xa she treats me as if,
ako pah ung bagohan, ako pah ung walang alam,,
mga bagay nah ako na ang gumgwa dati pah.. mga bagay nah ako ang nagsimula..
kung umasta xa it's as if she started everything..
I'm not a kid or her staff para itrato ng ganun..
d ako tanga para lang paulit ulit nyang gawin un..
-----more patience lang with her.. she haven't proven herself still well..
kya wag siyang magyabag ..
dahil madami pa ngang ibang boss jan but not as her attitude.. hayz
Thursday, October 9, 2008
mangkok nah kahoy
NAKUKUBA na si Itay sa katandaan nang makitira sa anak, ma nugang na babae, at edad-4 na apo.
Nanginginig ang kamay, nanlalabo ang paningin, nangangalos sa paglakad. Salu-salo sila sa mesa tuwing kainan.
Hirap ang matanda kumain dahil sa nginig ng kamay at labo ng mata.
Nalalaglag ang kanin sa sahig, natatapon ang inumin sa mantel.
Di nagtagal naubos na ang pasensiya ng anak at manu gang na babae sa kalat sa kainan.
“Dapat gawan ng paraan si Itay,” anila, “di na namin kaya ang natatapong inumin, maingay na pagkain, at kalat sa sahig.”
Naglagay ang mag-asawa ng maliit na mesita sa sulok.
Doon mag-isang kumakain ang matanda, habang nasa hapag-kainan ang mag-anak.
At dahil nakabasag na siya ng ilang plato, nilalagay ang pagkain niya sa isang mangkok na kahoy.
Paminsan-minsan nililingon ng mag-anak si Tanda, at paminsan-minsan din ay may luhang namumuo sa gilid ng mata niya. Ganunpaman, ang maririnig lang mula sa mag-asawa ay maaanghang na salita tuwing malalaglag niya ang kutsara o makakalat ang pagkain.
Tahimik lang na pinagmamasdan lahat ito ng edad-4 na bata.
Isang dapithapon, bago maghapunan, napansin ng ama ang bata na may pinaglalaruang retaso ng kahoy sa sahig.
“Ano’ng ginagawa mo?” malambing niyang inusisa ang bata.
At buong lambing din itong tumugon: “Gumagawa po ako ng maliit na mangkok na kahoy para pakakainan ninyo ni Mama sa sulok kapag malaki na ako.” Ang laki ng ngiti ng bata habang tinutuloy ang ginagawa.
Parang batong tumama sa ulo ng mga magulang ang salita ng bata.
Hindi sila nakakibo. Dumaloy lang ang luha sa kani lang pisngi.
Wala nang usapan, pero batid na nila ang dapat gawin.
Nang maghahapunan na, inakay ng mag-asawa si Itay pabalik sa hapag- kainan.
Sa lahat ng nalabing araw niya, doon na siya muli kumain, kasabay ng pamilya.
At hindi na muli umangal ang mag-asawa tungkol sa nabibitawang kutsara, natatapon na inumin o nakakalat at mumo sa sahig.

Subscribe to:
Posts (Atom)